PHOTOS

We Don’t have Wifi! Talk to each other…

NO CELLPHONE ALLOWED…Isa sa mga naappreciate ko sa isang resto ay yung may nakalagay na sign na “NO, WE DON’T HAVE WIFI! TALK TO EACH OTHER”… Yes, nasa new generation na tayo ngayon kaya halos lahat sa atin ay may mga sarili ng mobile phone, in fact even mga bata ay may mga sarili ng phone. Hindi siguro maiiwasan kasi sa panahon ngayon isa yan sa talagang kailangan sa communication lalo na yung may mga kamag-anak sa ibang bansa or nasa ibang lugar.

Accepted na yan na kahit saan magpunta may mga gumagamit talaga ng cellphone.Wala na akong magagawa dyan. hahaha! Hindi ko alam kung ako lang ba ang hindi mapakali kapag yung kaibigan or kamag anak na kasama mo ay instead na nakikipag usap sayo ay hawak hawak ang mga cellphone nila at nagchicheck ng mga social media nila. Like seriously, minsan nalang kayo magkita wala pa silang ibang gagawin kung hindi magpipindot ng mga cellphone nila. Acceptable naman yung may tumawag at kailangang sagutin or may text at kailangan mong magreply or kumuha ng mga pictures pero yung 2 oras kayong magkasama 2 oras din nyang hawak ang phone nya… Naku naku nakakapang-init ng ulo. hahaha!

Ano pa ang silbi ng ….

“Uy namiss kita, magkita naman tayo”

“hoy ang tagal mo ng hindi nagpaparamdam, magpakita ka namn”

“sabay naman tayo maglunch or dinner para makagbonding”

“Madami ka ng utang na kwento sa akin, magkita naman tayo”

Nagkita nga kayo para makapag kwentuhan at makapagbonding pero ang nangyayari most of the time ay hawak ang cellphone nagchicheck ng mga kanya kanyang social media. Bakit pa kayo nagkita mas maganda sigurong magtext nalang kayo. Baka mas naenjoy nyo pa kwentuhan nyo. Hehehe! Oo na bitter na ako. hahaha…

Last year, nagkaroon kami ng deal ng mga friends ko na habang kumakain kung sino ang unang dadampot ng phone namin or kung sino ang matagal ng gumamit ng mga phone namin ay manlilibre ng dinner sa susunod na pagkikita namin. It’s actually effective kasi nabawasan yung mga naglalabas ng mga phone habang magkakasama kami lalo na kapag kumakain. Mas maganda kasi yung madami kayong napagkukwnetuhan na magkakaharap kesa mga phone ang hawak. Mas nakakarelax na sumasagot yung kausap mo kasi kaharap mo kesa yung nasa cellphone mo. 3 to 4 hours mo lang naman pagtsatsagaan na kausapin ang mga kaibigan mo kaya tiisin mo na. hahaha!

Lalo na yung magkakasama kayong kumain ng family tapos yung isa mong kapatid or parents mo gumagamit ng mga phone nila. Ang sarap ibato ng mga cellphone nila. hahaha! Nawawala na yung manners sa hapag kainan. Mas binigyan na ng importansya ang cellphone kesa pagkain at pagkakataon na makabonding ang pamilya.

Isa pa naman sa maganda ang topic at pagkakataon na makapag usap kayo ng mga kaibigan at kapamilya mo ng maayos ay sa hapag-kainan kasi dyan naglalabasan yung mga ibat-bang kwento at idea ng bawat isa. Mga nakaka-inspire na kwento na mas masarap pakinggan kung kaharap mo yung nagkukwento. Tawanan at asaran na nakakatuwa kasi kitang kita mo ang mga expressions kaya ramdam na ramdam ang kwento ng bawat isa.

Baka isa ka sa mga AntiSocial dyan na panay ang hawak ng cellphone habang kausap mga kaibigan or kapamilya mo. Mag isip-isip kana. Baka sa susunod wala ng gustong makipag usap sayo at makipagkita sayo dahil mas madami ka ng oras sa cellphone mo kesa sa pamilya at mga kaibigan mo.

Ang cellphone nandyan lang yan. Masira or mawala man yan pwedeng palitan anytime pero kapag kaibigan at kapamilya ang nawala, mahirap ng ibalik yan.

Have a blessed day!

❤,
Jhona

Advertisements

2 thoughts on “We Don’t have Wifi! Talk to each other…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s